Batangas City Integrated High School (BCIHS) Nakiisa sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg

TINGNI: Nakiisa ang Batangas City Integrated High School sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) upang higit na mapalakas ang kahandaan ng paaralan sa mga sakuna, June 18.

Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang aktibidad at nagbigay ng impormasyon tungkol sa tamang mga hakbang bago, habang, at pagkatapos ng lindol.

Nagsagawa rin ng simulation exercise na nagpakita ng wastong paglikas, pagtugon sa mga biktima, at pagbibigay ng paunang lunas.

Sa ebalwasyon ng mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Batangas Component City Police Station (BCCPS), City Health Office (CHO), Public Information Office (PIO), Department of Education (DepEd) Batangas at Department of the Interior and Local Government (DILG), inirekomenda nilang malinaw na matukoy at maitakda ang mga ligtas na evacuation areas na malayo sa panganib ng pagbagsak ng mga kalapit na gusali.

Ipinahayag naman ng School Disaster Committee ang kanilang kahandaang tanggapin ang mga mungkahi upang lalo pang mapahusay ang disaster preparedness ng paaralan.

Nanawagan din ang CDRRMO sa publiko na seryosohin ang mga ganitong pagsasanay dahil hindi tiyak kung kalian maaaring tumama ang isang kalamidad. (PIO Batangas City)