Bagong ECCD Center sa Barangay Haligue Kanluran, Pinasinayaan

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg

TINGNI: Nakiisa sina Mayor Marvey Mariño at Batangas 5th District Congresswoman Beverley Dimacuha sa inagurasyon ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Center sa barangay Haligue Kanluran, June 10.

Nagsimula ang konstruksyon ng pasilidad noong Disyembre 26 ng nakaraang taon at natapos noong Marso 31 ngayong taon.

Nagpasalamat si Barangay Chairperson Rosario Pareja sa pamahalaang lungsod para sa bagong daycare center, na inaasahang maglilingkod sa humigit-kumulang 15 daycare students sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

Ayon sa kanya, makatutulong ang bagong gusali sa pagpapalawak ng kaalaman at kakayahan ng mga batang mag-aaral sa komunidad.

Dumalo rin sa programa ang mga opisyal at residente ng barangay at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod (PIO Batangas City)