Solid Poblacion, Kampeon sa Basketball sa Liga ng ABAKA 2026

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg

TINGNI: Tinanghal na kampeon ang Solid Poblacion nang talunin ang koponan ng Solid East sa championship game ng Liga ng ABAKA 2026 noong June 6 sa Batangas City Sports Coliseum.

Naging mainit ang labanan ng dalawang teams sa unang tatlong quarter hanggang sa tuluyan nang lumamang ang Poblacion.

Wagi naman ang team ng Solid Baybay laban sa koponan ng Solid Upland at nasungkit ang korona sa Women’s volleyball.

Sinandalan ng grupo ang kanilang malalakas na atake at floor defense para makuha ang kampeonato.

Nagsimula ang torneo noong May 21 na inorganisa ng Association of Barangay Kagawads (ABAKA) Batangas City Inc.

Ayon kay ABAKA President Randy Bagsit layunin ng palaro na palakasin ang sportsmanship, pisikal na kalusugan, at pagkakaisa ng mga barangay sa lungsod.

Ito rin aniya ay isang mahalagang plataporma upang mapaigting ang camaraderie at aktibong pakikilahok ng mga kasapi ng ABAKA sa mga programang pangkabataan at pampalakasan.

Kinilala din nya ang kahalagahan ng mga ganitong sports activities para sa mga opisyales ng barangay. Aniya, nararapat lamang na pangalagaan din nila ang kanilang kalusugan at maging magandang ehemplo sa mga kabataan manalo man o matalo.

Samantala, nakuha ng Solid Baybay ang ikatlong pwesto sa basketball ng pataubin ang Solid North at 3rd place winner din ang Solid North sa volleyball ng kanilang talunin ang Solid Poblacion. (PIO Batangas City)