OCENRO Nagsagawa ng “Plogging for the Environment” Bilang Pakikiisa sa World Environment Day

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 39.jpg 40.jpg 41.jpg 42.jpg 43.jpg 44.jpg 45.jpg 46.jpg 47.jpg 48.jpg 49.jpg 50.jpg 51.jpg 52.jpg 53.jpg 54.jpg 55.jpg 56.jpg 57.jpg 58.jpg 59.jpg 60.jpg 61.jpg 62.jpg 63.jpg

TINGNI: Bilang pakikiisa ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa pagdiriwang ng World Environment Day, nagsagawa ang Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO) ng “Plogging for the Environment” noong Hunyo 5.

Ang plogging ay pinagsamang jogging o pagtakbo at ang salitang Swedish na plocka upp na nangangahulugang “pulutin”. Isa itong aktibidad kung saan ang mga kalahok ay nagpupulot ng basura habang naglalakad o tumatakbo.

Isa din itong masaya at epektibong paraan ng pag-eehersisyo habang direktang nakatutulong sa pangangalaga ng kalikasan.

Layunin din nitong makatulong sa paglaban sa polusyon, partikular na sa suliranin ng plastic waste.

Hangad ng aktibidad na itaguyod ang pangangalaga sa kapaligiran, mapalawak ang kamalayan ng mamamayan tungkol sa kahalagahan ng malinis na kapaligiran, at magsilbing konkretong hakbang tungo sa mas malusog at mas ligtas na komunidad.

Nilahukan ang plogging ng mga residente mula sa iba't ibang barangay at mga samahan sa lungsod. Sa kanilang pakikibahagi, ipinakita nila ang mahalagang papel ng bawat isa sa pagpapalaganap ng disiplina, kaalaman, at wastong gawain para sa pangangalaga ng kalikasan.

Ayon kay City Environment Officer Oliver Gonzales, maraming paraan upang makiisa sa pagdiriwang ng World Environment Day, tulad ng pagtatanim ng mga puno at halaman, paglilinis ng kapaligiran, wastong pagtatapon ng basura, at pagtitipid sa paggamit ng kuryente at tubig.

Patuloy ding isinusulong ng OCENRO ang iba't ibang programang pangkalikasan at mga proyektong magbibigay ng benepisyo sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Kabilang dito ang paghikayat sa mga residente na magsagawa ng tamang paghihiwalay o segregasyon ng basura sa kani-kanilang mga tahanan. (PIO Batangas City)