Batangas City at Santa Rosa City Nagkaisa para sa Mas Pinalakas na Rehabilitasyon at Reintegration Program ng mga Drug Surrenderers

01.jpg 02.jpg 03.jpg

TINGNI: Pormal na nilagdaan nina Batangas City Mayor Marvey Mariño at Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas ang isang Memorandum of Agreement (MOA) upang higit pang palakasin ang rehabilitasyon at reintegration program para sa mga indibidwal na nalulong sa ilegal na droga, June 3.

Sa ilalim ng kasunduang ito, magkakaroon ang Batangas City ng direktang access sa Balay Silangan Facility na matatagpuan sa lungsod ng Santa Rosa sa Laguna.

Ang pasilidad ay bahagi ng pambansang programa ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng interbensyon, rehabilitasyon, at reintegration support sa mga dating gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga na kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad.

Layunin ng kolaborasyong ito na matiyak ang tuluy-tuloy, organisado, at epektibong pagpapatupad ng reintegration program upang matagumpay na makabalik sa lipunan at maging produktibong mamamayan ang mga drug surrenderers sa loob ng kanilang mga komunidad.

Saksi sa MOA signing ang mga opisyal at kawani ng dalawang lokal na pamahalaan, gayundin ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region IV-A. (PIO Batangas City)