- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Brigada Eskwela 2026, Inilunsad sa Temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
- Details
- Thursday, 04 June 2026 - 5:55:13 PM
- Views: 111
TINGNI: Bilang hudyat ng pagsisimula ng Brigada Eskwela 2026, nakiisa ang mga pampublikong paaralan sa lungsod sa kick-off ceremony na ginanap sa Conde Labac Elementary School, Hunyo 1.
Sa temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,” layunin ng programa na higit pang palakasin ang pagtutulungan ng mga guro, magulang, mag-aaral, mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at iba pang miyembro ng komunidad upang maihanda ang mga paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ang Brigada Eskwela ay bahagi ng programa ng Department of Education sa ilalim ng Oplan Balik Eskwela, na naglalayong tiyakin na ligtas, maayos, at handa ang mga paaralan bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 8.
Kabilang sa mga isinagawang aktibidad sa kick-off ceremony ang Pledge of Commitment ng mga stakeholder at partner organizations, paglilinis at pagkukumpuni ng mga silid-aralan at iba pang pasilidad, paghahanda ng mga kagamitang panturo para sa mga guro, at pagpapalakas ng diwa ng bayanihan at bolunterismo sa komunidad.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga punong-guro sa patuloy na suporta ng mga ahensya ng pamahalaan at iba pang katuwang na organisasyon sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.
Binigyang-diin na ang Brigada Eskwela ay hindi lamang simpleng paglilinis ng paaralan kundi isang sama-samang pagkilos ng komunidad upang matiyak ang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto ng mga kabataan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 EBD Health Emergency
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 09988511107
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738


























