- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
12 Kawani ng Pamahalaang Lungsod, Tumanggap ng Insentibo sa Walk-to-Work at Bike-to-Work Program
- Details
- Thursday, 04 June 2026 - 4:34:55 PM
- Views: 160
TINGNI: Tumanggap ng insentibo ang 12 kawani ng pamahalaang lungsod mula sa iba’t ibang tanggapan bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok sa Walk-to-Work at Bike-to-Work Program.
Siyam na empleyado ang nabigyan ng insentibo sa ilalim ng Walk-to-Work Program.
Ang mga naglalakad ng layong 1 hanggang 2 kilometro ay tumanggap ng ₱500, habang ang mga naglalakad ng layong 2 hanggang 3 kilometro ay nakatanggap ng ₱1,000.
Dalawang empleyado naman ang tumanggap ng insentibo sa ilalim ng Bike-to-Work Program.
Nakatanggap ng ₱500 ang mga nagbibisikleta ng layong 1 hanggang 2 kilometro, habang ₱1,500 naman ang ibinigay sa mga nagbibisikleta ng layong 3 hanggang 4 na kilometro.
Samantala, isang empleyado ang nakatanggap ng ₱1,000 matapos pagsamahin ang paglalakad at pagbibisikleta sa pagpasok sa trabaho sa layong 2 hanggang 3 kilometro.
Ang Walk-to-Work at Bike-to-Work Program ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na hikayatin ang mga empleyado na magkaroon ng mas malusog na pamumuhay.
Layunin din ng programa na mabawasan ang paggamit ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina at makatulong sa pangangalaga ng kalikasan.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo, inaasahan ng pamahalaang lungsod na mas marami pang empleyado ang mahihikayat na makilahok sa programang ito. (PIO Batangas City)
Latest News
- Pinalakas na Paghahanda ng Batangas City sa El Niño at Posibleng Pagbaha, Tinalakay sa 4th Quarter Disaster Preparedness Meeting
- 350 Kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas, Nakiisa sa Drug-Free Workplace Orientation
- Undas 2026 sa Batangas City, Naging Mapayapa at Maayos; Walang Naitalang Untoward Incidents
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738







