Tulong Pinansyal Ipinagkaloob sa 25 Pamilyang Apektado ng BATMC Extension at 12 Pamilyang Nasunugan

01.jpg 02.jpg

TINGNI: Nagkaloob ng tulong ang pamahalaang lungsod sa 25 pamilyang apektado ng isinasagawang konstruksyon ng extension ng Batangas Medical Center (BATMC) sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal na magagamit nila sa paglipat ng tirahan at bilang panimulang suporta sa kanilang panibagong pamumuhay.

Kasabay nito, 12 pamilya mula sa Poblacion Barangay 24 na naapektuhan ng sunog kamakailan ang tumanggap din ng ayuda.

Sa naturang bilang, 10 pamilya na may lubos na nasirang bahay ay nabigyan ng tig-P10,000, habang dalawang pamilya na may bahagyang pinsala sa kanilang tahanan ay tumanggap ng tig-P5,000.

Pinangunahan ni City Social Welfare and Development Officer Hiyasmin Candava ang pamamahagi ng tulong matapos ang flag ceremony, Hunyo 1. (PIO Batangas City)