616 Residente, Tumanggap ng Medical at Burial Assistance mula sa Pamahalaang Lungsod

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg

TINGNI: Pinangunahan ng Mayor's Action Center (MAC) ang payout para sa medical at burial assistance ng 616 na residente ng lungsod, Mayo 28.

Naglaan ng pondo ang pamahalaang lungsod para sa naturang programa upang makatulong sa pagpapagamot, maintenance medicines, at sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.

Upang maging benepisyaryo ng programang ito, maaaring tumawag sa Hotline sa 0999-222-6626 o magtungo sa tanggapan ng MAC upang magsumite ng mga kinakailangang dokumento tulad ng reseta ng gamot, medical certificate, valid ID at certificate for Medical Assistance mula sa barangay.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa ipinagkaloob na tulong pinansyal na kanilang natanggap batay sa assessment at kanilang pangangailangan.

Katuwang ng MAC ang City Treasurer’s Office sa isinagawang payout. (PIO Batangas City)