“BiyaHero Tayo: Helmet On, Buckle Up!” Road Safety Month Seminar, Nagpalawak ng Kaalaman sa Responsableng Pagmamaneho at Kaligtasan sa Lansangan

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg

TINGNI: Humigit-kumulang 150 kalahok ang dumalo sa seminar para sa pagdiriwang ng Road Safety Month na may temang “BiyaHero Tayo: Helmet On, Buckle Up!” na isinagawa sa pangunguna ng Office of the City Health Officer (OCHO).

Kabilang sa mga dumalo ang mga jeepney driver, miyembro ng Batangas City Federation of Tricycle Operators and Drivers Association, mga kawani ng Office of the City General Services Office, at mga enforcer ng Traffic Development and Regulatory Office.

Layunin ng seminar na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa responsableng pagmamaneho, pagsunod sa batas-trapiko, at pagpapanatili ng kaligtasan sa lansangan.

Tinalakay rin ang mga usapin ukol sa kalusugan, road safety, at tamang pagtugon sa emergency situations upang maging mas handa ang mga motorista at enforcer sa iba’t ibang insidente sa kalsada.

Sa pamamagitan ng aktibidad, inaasahang mas magiging responsable, disiplinado, at maingat ang mga kalahok upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.

Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa Department of Health Region IV-A bilang suporta sa kampanya para sa kaligtasan at kalusugan ng mga Batangueño. (PIO Batangas City)