15 Pares, Ikinasal sa Kasalang Barangay ng Sorsoro Karsada

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg

TINGNI: Natupad ang pangarap na makasal ng isang magkaparehang mahigit tatlong dekada nang nagsasama sa idinaos na Kasalang Barangay sa barangay Sorsoro Karsada ngayong araw, Mayo 14.

Sila ay sina Mang Casiano Dimaano at Aling Cristita Baldemoro, na kabilang sa 15 pares na nakinabang sa mass wedding program ng naturang barangay na pinangasiwaan ni Mayor Marvey Mariño.

Sa pamamagitan ng programang ito, katuwang ang Civil Registrar’s Office (CRO), naging legal ang pagsasama ng mga magkapareha at 42 bata naman ang nalehitimo.

Sinaksihan ng kanilang mga magulang, kamag-anak, at mga ninong at ninang ang seremonya, na itinuring ng mga ikinasal bilang isa sa pinakamahalagang araw ng kanilang buhay.

Nakiisa din sa nasabing okasyon si Congresswoman Beverley Dimacuha. (PIO Batangas City)