Mahigit 1,000 Residente, Tumanggap ng Medical at Burial Assistance sa Lungsod

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg

TINGNI: Mahigit 1,000 residente ng lungsod ang tumanggap ng medical at burial assistance ngayong araw, Mayo 13.

Kabilang sa mga benepisyaryo si Mang Roger Ryan ng barangay Wawa, na nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat para sa tulong-medikal na ipinagkaloob para sa pagpapagamot ng kanyang asawang may breast cancer.

Ayon naman kay Aling Nelda Valencia ng barangay Poblacion 2, madali lamang ang proseso ng pag-aapply para sa medical assistance.

Sinabi niya na malaking tulong ito sa pagbili niya ng maintenance medicines tuwing anim na buwan.

Sa mensahe ni Mayor Marvey Mariño, sinabi niyang lalo pang palalawakin ang naturang programa at dadagdagan pa ang mga katuwang na ospital upang mas marami pang residente ang matulungan.

Para makapag-avail ng medical assistance, kinakailangang magsumite ng mga kaukulang dokumento gaya ng medical certificate, medical prescription, valid ID, at certificate for medical assistance mula sa barangay. Maaari ring tumawag sa Mayor’s Action Center Hotline sa 0999-222-6626 para sa iba pang impormasyon.

Pinangasiwaan ang pamamahagi ng mga kawani ng Mayor’s Action Center (MAC) katuwang ang City Treasurer’s Office (CTO). (PIO Batangas City)