- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City Pride: Anne Carres De Mesa, Kinoronahang Miss Tourism Worldwide 2026
- Details
- Tuesday, 12 May 2026 - 5:26:43 PM
- Views: 71
TINGNI: Lubos na ipinagmamalaki ng Batangas City ang tagumpay ni Anne Carres De Mesa matapos tanghalin bilang Miss Tourism Worldwide 2026 sa ginanap na pageant noong Abril 25 sa Malaysia.
Bilang kinatawan ng Pilipinas, matagumpay na naiuwi ni De Mesa, na tubong Batangas City, ang korona, habang ipinamalas ang kagandahan, kultura, at kakayahan sa pandaigdigang entablado.
Sa isang panayam, ibinahagi niya ang hangaring higit pang maipakilala ang Batangas City at lalawigan ng Batangas sa mas maraming tao. Ayon pa sa kanya, labis ang kanyang kasiyahan na maiuwi ang korona para sa lungsod at magsilbing inspirasyon sa kapwa Batangueño.
Sinabi rin ni De Mesa na nais niyang maging katuwang sa pagsusulong ng turismo, pagpapahalaga sa kultura, at pagpapakilala ng iba’t ibang lokal na pamana ng Batangas sa mas malawak na komunidad. Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa patuloy na suporta ng lungsod at ng mga Batangueño.
Bilang pagkilala sa kanyang natatanging tagumpay pormal siyang binigyan ng parangal ng Sangguniang Panlungsod sa pagbibigay ng pride and honor hindi lamang sa lungsod kundi maging sa buong bansa.
Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa husay at determinasyon ng mga Batangueño na maipakita ang kanilang kakayahan at makilala sa mas malawak na larangan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 EBD Health Emergency
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 09988511107
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738









