- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
BCOFA, Nagsagawa ng Ikalawang Annual General Assembly; Itinampok ang Organic Farming
- Details
- Tuesday, 05 May 2026 - 6:20:12 PM
- Views: 190
TINGNI: Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Batangas City Organic Farmers Association (BCOFA) para sa kanilang ikalawang Annual General Assembly noong Abril 30.
Isa sa mga tampok sa programa ang pagbabahagi ng kaalaman ni Emmanuel “Willie” Salada tungkol sa paggawa ng wood vinegar, isang natural na pesticide, pampataba ng lupa, at pampalago ng halaman.
Ayon sa kanya, nakatutulong ito sa pagpapaganda ng ani at panlaban sa mga peste. Maaari rin umano itong gamitin sa sugat ng mga alagang hayop at maging sa tao.
Inaanyayahan ng BCOFA ang mga interesadong residente ng lungsod na makilahok at matutunan ang organic farming.
Samantala, mayroong Mobile Livelihood Showcasing of Products sa Office of the City Agriculturist mula Lunes hanggang Biyernes kung saan tampok ang mga produkto ng mga organic farmers.
Ayon kay City Agriculturist Flora Alvarez, patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga magsasaka sa pamamagitan ng kanilang tanggapan, kabilang ang pagtulong sa pagpaparehistro ng nutrition facts ng kanilang mga produkto. (PIO Batangas City)
Latest News
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738























