- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Mga Residente ng Lungsod, Nakatanggap ng Tulong na Bigas
- Details
- Tuesday, 05 May 2026 - 4:42:13 PM
- Views: 39
TINGNI: Mahigit 9,000 residente mula sa 12 baybaying barangay ng lungsod, at halos 7,000 residente mula sa mga barangay ng Cuta, Wawa, at Sta. Clara, ang nabigyan ng tig-10 kilong bigas mula sa Pamahalaang Lungsod ng Batangas katuwang ang pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF), noong Mayo 1 at 2.
Layunin ng proyektong ito na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilya, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Isinagawa ang pamamahagi sa mga baybaying barangay upang maging mas madali para sa mga residente at maiwasan ang dagdag na gastusin sa pamasahe. Samantala, sa Batangas City Sports Coliseum naman ginanap ang distribusyon para sa mga residente ng Cuta, Wawa, at Sta. Clara dahil sa mas maluwag at maginhawang espasyo nito na mas naa-access ng mga benepisyaryo.
Kabilang sa mga tumanggap ng tulong sina Arnel Dinglasan mula sa Tabangao Aplaya, gayundin sina Letty Cueto at Cristy Manalo-Uno ng Pinamucan Ibaba. Ayon sa kanila, malaking tulong ang naturang proyekto upang matiyak na may maihahaing pagkain sa kanilang pamilya sa mga susunod na araw. Nagpahayag din ng pasasalamat sina Renna Noche at Rodelia Davalos ng Sta. Clara, at Rogelio Condesa ng Barangay Wawa sa tulong na kanilang natanggap.
Dumalo at nakiisa sa distribusyon sina Mayor Marvey Mariño, Vice Mayor Alyssa Cruz, at iba pang opisyal ng lungsod.
Isinagawa ang aktibidad sa koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod, kabilang ang Mayor’s Action Center (MAC), Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO), Office of the General Services Officer (OGSO), Discipline, Safety and Security Office (DSSO), at mga opisyal ng barangay.
Ipagpapatuloy ang distribusyon ng bigas sa iba pang barangay alinsunod sa itinakdang iskedyul. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 EBD Health Emergency
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738







