Mahigit 11,000 Day-Old Broiler Chicken, Ipinamahagi sa mga Benepisyaryo sa Batangas City

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg

TINGNI: Namahagi ang pamahalaang lungsod ng kabuuang 11,428 day-old broiler chicken sa 229 na benepisyaryo mula sa 39 na barangay noong Abril 15.

Pinangunahan ni Mayor Marvey Mariño ang distribusyon bilang bahagi ng programang pangkabuhayan na ipinatutupad ng Office of the City Veterinarian.

Ang pagpili sa mga benepisyaryo ay isinagawa batay sa kanilang kakayahan at sapat na kaalaman sa pag-aalaga ng mga broiler na manok.

Bawat isa ay pinagkalooban ng tig-50 sisiw, at ng mga kinakailangang antibiotic.

Nauna rito, sumailalim ang mga benepisyaryo sa isang oryentasyon kung saan tinalakay ang wastong pamamaraan ng pag-aalaga at pagpapalaki ng mga broiler chicken upang matiyak ang mataas na antas ng produksyon at kalusugan ng mga alagang manok.

Magsasagawa ng regular na monitoring ang Veterinary Services Division upang matiyak ang maayos na implementasyon at tagumpay ng proyekto. (PIO Batangas City)