Mahigit 1,800 Tricycle Drivers sa Batangas City, Tumanggap ng ₱5,000 Ayuda sa ilalim ng Cash Relief Program

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg

TINGNI: Nasa 1,868 miyembro ng Batangas City Federation of Tricycle Operators and Drivers Association (BAFTODA) ang kabilang sa unang batch ng tumanggap ng tig-₱5,000 ayuda sa ilalim ng Cash Relief Assistance Para sa mga Tsuper 2026 Program ngayong araw, April 8.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Ulysses Aguilar, ipinatutupad ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matulungan ang mga public utility drivers na apektado ng mataas na presyo ng langis.

Sinabi ni BAFTODA President Felixberto Cabungcal Jr. na target mabigyan ang lahat ng 4,291 miyembro ng samahan sa mga susunod na payout.

Para makakuha ng ayuda, kinakailangan lamang magpakita ng valid driver’s license at prangkisa para sa mga pampasaherong sasakyan tulad ng jeep at tricycle.

Sakop din ng programa ang TNVS drivers, motorcycle taxi drivers, at delivery riders sa lungsod.

Nilinaw ng DSWD na personal dapat kunin ang ayuda, at hindi pinahihintulutan ang authorization letter.

Samantala, hinihintay pa ng nasabing kagawaran ang listahan mula sa LTFRB para sa payout ng jeepney drivers at operators sa Batangas City. (PIO Batangas City)