- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Anti-Rabies Program sa Batangas City, Ipinatutupad Buong Taon
- Details
- Wednesday, 08 April 2026 - 11:04:09 AM
- Views: 494
TINGNI: Buong taong ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the City Veterinarian, ang Anti-Rabies Prevention and Control Program upang mapanatiling ligtas ang komunidad laban sa rabies.
Ayon kay OIC City Veterinarian Dr. Sheila Lualhati, sa direktiba ni Mayor Marvey Mariño ay tuloy-tuloy ang libreng pagbabakuna laban sa rabies para sa mga alagang aso at pusa — kapwa sa kanilang tanggapan at sa iba’t ibang barangay. Kasabay nito ang information dissemination campaign at pamamahagi ng mga babasahin hinggil sa rabies at responsableng pag-aalaga ng hayop, tulad ng pagtali o pagpapanatili ng mga alaga sa loob ng bakuran.
Batay sa tala ng City Veterinary Office, umabot na sa 19,310 aso ang nabakunahan mula sa tinatayang 27,946 na populasyon ng aso sa lungsod. Samantala, 3,577 pusa naman ang nabakunahan mula sa humigit-kumulang 6,285 na bilang noong 2025.
Bilang karagdagang hakbang, nagsasagawa rin ang tanggapan ng libreng pagkakapon isang beses kada linggo upang makontrol ang pagdami ng mga asong gala (aspin) at pusang gala (puspin), na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng publiko.
Para sa mga nagnanais magpabakuna o magpakapon ng kanilang mga alagang hayop, maaaring makipag-ugnayan sa Office of the City Veterinarian sa numerong (043) 723-8432. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738









