Batangas City Ipinatutupad ang EO No. 110 kaugnay ng National Energy Emergency

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg

TINGNI: Ipinatutupad ng pamahalaang lungsod ang Executive Order No. 110 na pinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang tugon sa umiiral na pambansang energy emergency upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng enerhiya at mapanatili ang pagpapadaloy ng mahahalagang serbisyo publiko sa Batangas City.

Sa ilalim ng EO, pinahihintulutan si Mayor Marvey Mariño na magpatupad ng mga hakbang tulad ng pagtitipid sa kuryente at gasolina, paglimita sa energy-intensive programs, pagsusulong ng renewable at alternatibong mapagkukunan ng enerhiya, at pagtiyak sa sapat na suplay ng fuel at iba pang pangunahing resources.

Paiigtingin din ang regulasyon sa distribusyon ng LPG at presyo ng mga produktong petrolyo alinsunod sa itinakda ng DTI at DOE, habang mahigpit na ipinagbabawal ang hoarding at panic buying.

Nililimitahan din ang mga selebrasyon, large gatherings, barangay sports activities, at non-essential nighttime activities.

Magugunita na nag-issue din si Mayor Mariño ng EO No. 19 S. 2026 noong March 26, 2026 o ang “An Executive Order Number 110 and Adopting Local Measures to the State of National Energy Emergency in Batangas City.”

Samantala, mangunguna ang Batangas City Energy Emergency Response Committee (BCEERC) sa pagpapatupad ng mga programa para sa energy efficiency at conservation.

Nananawagan naman ang pamahalaang lungsod ng kooperasyon mula sa publiko upang mapagaan ang epekto ng kakulangan sa enerhiya at mapanatili ang kaayusan ng serbisyo sa lungsod. (PIO Batangas City)