Mahigit 12,000 Negosyo Nag-renew ng Business Permit sa BOSS 2026; Koleksyon Umabot sa ₱622.6M

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg

TINGNI: Umabot sa kabuuang 12,475 na bagong aplikante at mga nag-renew ng business permit ang naitala ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa ilalim ng Integrated Business One-Stop Shop (BOSS) na ginanap sa Bay City Mall noong buwan ng Enero 2026.

Sa naturang bilang, 12,204 ang nag-renew ng kanilang business permit sa renewal period mula Enero 5 hanggang Pebrero 16.

Mas mataas ito kumpara sa 11,779 na naitalang nag-renew noong Enero 2 hanggang Pebrero 15 ng nakaraang taon.

Samantala, umabot sa ₱622,664,740.26 ang kabuuang koleksyon ng BOSS mula Enero 1 hanggang Pebrero 16.

Bukod dito, nasa ₱986 milyon naman ang kabuuang koleksyon ng City Treasurer’s Office (CTO) mula sa Real Property Tax, Tax on Business, Fees and Charges, at iba pang resibo.

Ayon sa pamahalaang lungsod, bunga ito ng direktiba ni Mayor Marvey Mariño na paalwanin at pabilisin ang proseso ng mga dokumento upang mabigyan ng higit na kaginhawahan ang mga taxpayers.

Ang naturang pondo ay napupunta sa General Fund ng pamahalaang lungsod na ginagamit para sa pagpapatupad ng mga programang pang-imprastraktura, social services tulad ng financial assistance at scholarship expenses, gayundin sa administrative expenses ng lokal na pamahalaan. (PIO Batangas City)