- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Coun. Claudette Ambida, Bagong Pangulo ng FOUR-L Philippines Region IV-A
- Details
- Tuesday, 03 February 2026 - 9:24:54 AM
- Views: 476
TINGNI: Nahalal si Batangas City Coun. Maria Claudette U. Ambida, bilang Pangulo ng Lady Local Legislators’ League of the Philippines, Inc. (FOUR-L Philippines) Region IV-A para sa Termino 2025–2028, sa isinagawang Regional Election, Enero 30, sa Grand Westside Hotel, Parañaque City.
Ang halalan ay pinangunahan ng FOUR-L Philippines katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Region IV-A, at dinaluhan ng mga kababaihang lokal na mambabatas mula sa iba’t ibang lalawigan ng CALABARZON. Layunin ng aktibidad na mapanatili ang demokratikong pamumuno, maayos na transisyon ng organisasyon, at mas mapalakas ang partisipasyon ng kababaihan sa pamamahalang lokal.
Bilang bagong Pangulo ng FOUR-L Philippines Region IV-A, inaasahang pangungunahan ni Coun. Ambida ang mga adbokasiya ng samahan para sa mas inklusibo, makatarungan, at tumutugon-sa-kababaihang mga polisiya at programa. Ang kanyang pagkakahalal ay itinuturing na mahalagang hakbang sa patuloy na pagpapalakas ng boses at papel ng kababaihan sa paggawa ng mga patakaran at pagpaplano ng kaunlaran sa rehiyon.
Tumulong sa pagsasagawa ng halalan si DILG IV-A Assistant Regional Director Darrell I. Dizon, CESO IV, upang matiyak ang maayos, transparent, at participatory process ng eleksyon. Pinatutunayan nito ang patuloy na suporta ng DILG sa pagbibigay-lakas sa mga Lady Local Legislators at sa pagpapatatag ng mga democratic institutions sa CALABARZON.
Ang pagkakahalal ni Coun. Claudette Ambida bilang Pangulo ay muling nagpapatibay sa papel ng FOUR-L Philippines bilang isang nagkakaisa at matibay na plataporma ng kababaihang lider sa pamahalaang lokal. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738











