BPLO at CTO, Nagsagawa ng Kauna-unahang Mobile Business Permit Renewal sa Market I at II

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg

TINGNI: Nagsagawa sa kauna-unahang pagkakataon ng Mobile Business Permit Renewal ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) kasama ang City Treasurer's Office (CTO) sa Market I at II noong Enero 10, 17, at 24 bilang bahagi ng layunin at patuloy na pagsisikap ni Mayor Marvey Mariño na mailapit sa mga market stall holders ang mga serbisyo ng pamahalaang lungsod.

May 417 na stall owners sa palengke ang nakinabang sa naturang gawain.

Layunin ng aktibidad na ito na mapabilis at mapagaan ang proseso ng pagre-renew ng business permit ng mga stall holders sa pampublikong pamilihan, gayundin ang masiguro ang maayos at epektibong paghahatid ng serbisyo sa komunidad. (PIO Batangas City)