- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Deadline ng Renewal ng Business Permits sa Batangas City, Pinalawig Hanggang Pebrero 16, 2026
- Details
- Thursday, 29 January 2026 - 9:57:14 AM
- Views: 883
TINGNI: Pinalawig ng pamahalaang lungsod ang deadline ng renewal ng business permits mula Enero 31 hanggang Pebrero 16, 2026.
Ito ay alinsunod sa ordinansang “An Ordinance Extending the Renewal Period of Business Permits, Licenses and Payment of Corresponding Fees and Taxes in the City Government of Batangas from 31 January 2026 to 16 February 2026 without Surcharges or Penalty” na ipinasa ng mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod sa isang special session, bilang tugon sa kahilingan ni Mayor Marvey Mariño.
Ayon kay Councilor Claudette Ambida, Chairman ng Committee on Ways and Means, layunin ng naturang hakbang na mabigyan ng sapat na panahon ang mga negosyante upang makapag-renew ng kanilang business permits.
Binigyang-diin niya na malaki ang bilang ng mga umiiral na negosyo at ng mga nagnanais magtayo ng bagong negosyo sa Batangas City, kaya’t kinakailangan ang extension.
Sa ilalim ng pinalawig na panahon ng renewal, hindi kakaharapin ng mga negosyante ang anumang penalties o surcharges.
Ang mga hindi makakapag-renew sa loob ng itinakdang panahon ay papatawan ng 25% surcharge at 2% interest kada buwan sa business tax kung kaya't patunay ang nasabing extension ng pagtalima ng pamahalaang lungsod sa Ease of Doing Business Act.
Magugunita na nagsimula ang application at renewal ng business permits sa pamamagitan ng Integrated Business One-Stop Shop (BOSS) sa Bay City Mall noong Enero 5. (PIO Batangas City)
Latest News
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738










