A FARM TO CUP PROJECT, Pinalalakas na Produksyon ng Kape sa Batangas City

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg

TINGNI: Magkakatuwang ang Kalye Barako, Banoy Livelihood and Development Association, Inc. (BDLAI), at Pamahalaang Lungsod ng Batangas sa pamamagitan ng Office of the City Agriculturist sa paglulunsad ng “A Farm to Cup Project”, na layong palakasin ang lokal na industriya ng kape.

Isinagawa noong Disyembre 2025 ang pagtatanim ng 1,000 Liberica coffee seedlings sa Mt. Banoy, Brgy. Talumpok Silangan. Ang mga punla ay ipinagkaloob nina Mayor Marvey Mariño at Cong. Beverley Rose A. Dimacuha bilang suporta sa pagpapalawak ng produksyon ng kape sa lungsod.

Matatandaang noong Hulyo 5, 2025, namahagi rin ang Kalye Barako ng 1,000 Arabica coffee seedlings sa mga miyembro ng BDLAI habang nagkaloob naman ng mga pangunahing kagamitan tulad ng pala, kalaykay, at abono ang Office of the City Agriculturist upang matiyak ang matagumpay na pagtatanim at pangangalaga sa mga punla.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na paunlarin ang agrikultura, lumikha ng kabuhayan para sa mga magsasaka, at itaguyod ang Batangas City bilang isa sa mga pangunahing sentro ng produksiyon ng de-kalidad na kape sa bansa. (PIO Batangas City)