SANIB-PUWERSA PARA SA AGRIKULTURA

01.jpg 02.jpg

TINGNI: Nagsanib-puwersa ang Pamahalaang Lungsod ng Batangas at ang NAVI Development Corporation upang gawing produktibo ang mga bakanteng lupa sa lungsod at mapalakas ang sektor ng agrikultura.

Sa ilalim ng inisyatibang ito, naglaan ang NAVI Development Corporation ng ilang ektaryang lupa na tatamnan ng mga gulay, mais, papaya, pinya, at iba pang pananim, sa pangunguna ng Tanggapan ng City Mayor at ng City Agriculturist. Sasagutin ng Pamahalaang Lungsod ang paghahanda ng lupa, pagtatanim, at pag-aani, habang ang mga may-ari ng lupang makikibahagi sa programa ay tatanggap ng bahagi ng ani bilang kapalit ng pagpapagamit ng kanilang lupa.

Layunin ng programa na mapalakas ang seguridad sa pagkain, makalikha ng karagdagang kabuhayan para sa mga Batangueño, at maisulong ang sustenableng agrikultura sa Lungsod ng Batangas. Gayundin ay mahikayat ang mga pribadong may-ari na ipagamit ang kanilang mga bakanteng lupa para gawing produktibo sa pamamagitan ng pag papatanim ng iba't ibang gulay at iba pa.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Office of the City Agriculturist - 0917 573 2295/ 0928 415 9934 o sa Mayor’s Action Center Hotline - 0999 222 6626 (PIO Batangas City)