CLB Mustangs 19-and-Under Basketball Team, Kampeon sa NBTC Batangas Local Qualifying Tournament

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg

TINGNI: Nag-courtesy call kay Mayor Marvey Mariño ang Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) Mustangs 19-and-under basketball team upang ipresenta ang kanilang championship trophy matapos magwagi sa National Basketball Training Center (NBTC) Batangas Local Qualifying Tournament.

Naganap ang championship game noong Enero 5, 2026 sa Balayan, Batangas, kung saan tinalo ng CLB Mustangs ang Team Berbets sa iskor na 104–78.

Dahil sa tagumpay na ito, magiging kinatawan ng Lalawigan ng Batangas ang CLB Mustangs sa NBTC Regional Basketball Tournament na gaganapin sa Pebrero.

Ipinahayag ng buong koponan ang kanilang taos-pusong pasasalamat kay Mayor Marvey Mariño sa patuloy na suporta at tiwala, na nagsisilbing inspirasyon para mas pagbutihin hindi lamang ang kanilang laro sa basketball, kundi pati na rin ang kanilang pag-aaral. (PIO Batangas City)