- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Mahigit 200 Negosyante, Naisyuhan ng Business Permit sa Unang Araw ng Integrated BOSS sa Batangas City
- Details
- Wednesday, 07 January 2026 - 8:59:11 AM
- Views: 509
TINGNI: Inabot lamang ng 20 minuto ang transaksyon ng unang kliyente ng Integrated Business One-Stop-Shop (BOSS) ng pamahalaang lungsod ng Batangas nang mag-renew ito ng kanyang business permit noong January 5.
Ang unang kliyente ay si Cris Cometa ng barangay Mahabang Parang, isang LPG retailer.
Natapos naman sa loob ng sampung minuto ang pagproseso ng aplikasyon para sa bagong business permit ng real estate leasing business ni Danny Esguerra ng barangay Gulod Labac.
Sila ay dalawa lamang sa mahigit 200 indibidwal na kabuuang bilang ng mga naisyuhan ng business permit sa unang araw ng pagkuha at pagre-renew.
Tumatanggap din ang Integrated BOSS ng online application at payment sa pamamagitan ng website na business.batangascity.gov.ph.
Matatagpuan ang Integrated BOSS sa ikaapat na palapag ng Bay Citimall.
Mayroon din itong eBOSS kiosk na layong mapabilis ang pagproseso ng mga dokumento hindi lamang para sa business permit kundi pati na rin sa pagbabayad ng occupational tax, real property tax, at professional tax receipt.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa zero contact policy sa ilalim ng Ease of Doing Business Law at Anti-Red Tape Act (ARTA).
Layunin din nitong mabigyan ng kaginhawaan ang mga kliyenteng walang internet connection, habang ang online system ay maaari namang gamitin kahit saan mang lugar.
May ipinatutupad na iskedyul ang Integrated BOSS sa pagrerehistro at pagre-renew ng business permit sa buong buwan ng Enero na magsisimula alas-7:00 ng umaga.
Mula January 5 hanggang 9 ay para sa mga barangay sa Solid North; sa January 12-15, at 19 naman ang mga barangay sa Solid Poblacion; January 20-23 at 26 para sa mga barangay sa Solid East at Market 1, 2 at 3; at sa January 27 hanggang 30 ang mga barangay sa Solid Upland at Solid Baybay.
Para sa iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa mga numerong (043) 403-3447 o (043) 722-2252, o mag-email sa
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738






















