- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Buntis Congress Isinagawa ng City Health Office para sa Ligtas at Malusog na Pagbubuntis ng mga Ina sa Batangas City
- Details
- Monday, 15 December 2025 - 9:50:46 AM
- Views: 984
TINGNI: Humigit-kumulang 100 buntis sa lungsod ang nagtipon-tipon sa ginanap na Buntis Congress na itinaguyod ng Office of the City Health Officer noong December 12.
Bahagi ito ng Safe Motherhood Celebration na may temang “Kalidad na Pangangalaga sa Ina, Kalusugan ng Sanggol ay Garantiya sa Bagong Pilipinas, Bawat Buntis Mahalaga.”
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kampanya ukol sa tamang pangangalaga sa mga buntis at gabayan ang mga kababaihan mula sa pagbubuntis hanggang sa ligtas na panganganak.
Isa sa mga dumalo ay si Bianca Bacer, 24 taong gulang, unang beses na magiging ina at kasalukuyang walong buwang buntis mula sa Barangay Bolbok.
Lubos ang kanyang pasasalamat dahil nabibigyan aniya ng pamahalaang lungsod ng sapat na atensyon ang mga buntis tulad niya. Nagulat din siya sa dami at bonggang raffle prizes na inihanda ng City Health Office para sa lahat ng participants.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Vivian Ceros, 40, mula sa Poblacion 24, dahil sa patuloy na benepisyong natatanggap mula sa mga programa ng lokal na pamahalaan tulad ng libreng konsultasyon, gamot, ultrasound, at iba pa. Ito ang ikaapat na beses ng kanyang pagdadalantao.
Tinalakay sa Buntis Congress ang paksang “Common Sexually Transmitted Disease and Its Impact on Maternal and Child Health,” kung saan naging resource speaker si Obstetrician-Gynecologist Dr. Lalaine Burog.
Ipinaliwanag niya ang mga karaniwang sakit na maaaring maipasa sa pakikipagtalik sa panahon ng pagbubuntis, kabilang ang syphilis, gonorrhea, chlamydia, trichomoniasis, HIV, Hepatitis B at HSV, at ang epekto nito sa kalusugan ng ina at sanggol.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng test screenings at ang responsibilidad ng ina na pangalagaan ang sarili upang masiguro ang malusog na sanggol.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni City Health Officer Dr. Rosanna Barrion ang lahat ng sumuporta upang maging matagumpay ang Buntis Congress. Tiniyak din niyang magpapatuloy ang kanilang tanggapan sa pagpapatupad ng mga programang nagsusulong ng ligtas at malusog na pagbubuntis.
Tampok din sa programa ang Reels to Reals Care Contest, kung saan ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang pregnancy journey.
Mayroon ding libreng HIV test, dental check up at nutrition counseling.
Ang Buntis Congress ay pinangasiwaan ng CHO sa pangunguna ni Assistant City Health Officer Dr. Angela Alegre. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738


































