Batangas City, Pinarangalan ng DILG IV-A sa Open Government Partnership Localization

01.jpg 02.jpg 03.jpg

TINGNI: Pinarangalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region IV-A ang lungsod ng Batangas sa pamamagitan ng isang plaque of recognition bilang pagkilala sa patuloy nitong pakikiisa bilang cohort Local Government Unit (LGU) sa Philippine Agenda for the Localization of the Open Government Partnership.

Ipinapakita ng naturang parangal ang matibay na pangako ng lungsod na isulong ang transparency, participation, at accountability sa mga proseso ng lokal na pamahalaan, at paigtingin ang mga gawaing ito upang umayon sa pandaigdigang pamantayan tungo sa mas bukas, matatag, at maunlad na komunidad. (PIO Batangas City)