Batangas City, Ginawaran ng SubayBayani Awards ng DILG para sa Mahusay na Infrastructure Governance at Makabuluhang Pagbabago

01.jpg 02.jpg 03.jpg

TINGNI: Ginawaran ang Batangas City ng SubayBayani Awards ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang pagkilala sa natatangi nitong pagganap sa pagsusulong ng mahusay na infrastructure governance at makabuluhang pagbabago - na nag-ambag sa pag-unlad ng matibay na mga komunidad, at sa pagbuo ng pundasyon ng isang Matatag, Maginhawa, at Panatag na buhay para sa lahat ng Pilipino.

Tinanggap ni DILG City Director at City Engineer Dwight Arellano ang nasabing parangal para sa lungsod noong November 26 sa Manila Hotel. (PIO Batangas City)