Batangas City, Provincial Winner sa City Category ng 2025 Local Legislative Awards

01.jpg 02.jpg

TINGNI: Kinilala ang lungsod ng Batangas bilang Provincial Winner sa City Category ng 2025 Local Legislative Awards dahil sa kanilang kahanga-hangang proseso ng paggawa ng batas at mga inisyatibong nagbunga ng mas epektibong pamamahala sa lokal na antas.

Iginawad ang naturang parangal ng DILG at Philippine Councilors League – Batangas Federation noong November 28.

Ipinresenta naman ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Alyssa Cruz, ang nasabing pagkilala kay Mayor Marvey Mariño matapos ang isinagawang flag ceremony, December 1. (PIO Batangas City)