- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City, Pormal na Inilunsad ang Kapaskuhan sa Makulay na Christmas Kick-Off sa Plaza Mabini
- Details
- Tuesday, 02 December 2025 - 3:04:37 PM
- Views: 460
TINGNI: Opisyal nang sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Christmas Kick-Off activity sa Plaza Mabini, November 28.
Sa temang "Masaya ang Sama-sama, Tuloy-tuloy na Pag-unlad", pinangunahan nina Mayor Marvey Mariño at Congresswoman Beverley Dimacuha ang sabayang pagpapailaw ng mga dekorasyong pamasko sa Plaza Mabini at sa harapan ng City Hall.
Kasabay nito, sabay-sabay ding nagliwanag ang mga Christmas decorations sa Batangas City Coliseum, Convention Center, luma at bagong pamilihan, kahabaan ng P. Burgos at Rizal Avenue, at maging sa EBD Bridge of Progress, Bridge of Promise, at Calumpang Bridge.
Nagbigay-saya ang mga pagtatanghal nina JV at Genesis, Ventriloquist Puppeteer, at No Bone Kids Happy Acrobats.
Namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng regalo sa may 500 bata ng Early Childhood Care and Development (ECCD) at libreng snacks sa 700 katao.
Nakiisa sa okasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Alyssa Cruz, gayundin ang mga Department Heads ng pamahalaang lungsod.
Mananatili ang mga dekorasyong pamasko hanggang sa kapistahan ng Mahal na Patrong Sto. Niño sa January 16. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738

















