SP Batangas City, Nag-apruba ng Resolution of Support sa Proclamation No. 1077 Declaring a State of National Calamity

  01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg

TINGNI: Nagsagawa ng special session ang Sangguniang Panlungsod upang aprubahan ang resolution of support sa Presidential Proclamation No. 1077 Declaring A State of National Calamity due to Typhoon "Tino" and Covering Subsequent Calamities Thereafter, November 10.

Ang naturang hakbang ay ginawa sa kahilingan ni Mayor Marvey Mariño at agad na inaprubahan sa isinagawang special session ng konseho na may bisa ng isang taon.

Sa pamamagitan ng resolusyong ito, mas mapapabilis ang proseso ng procurement at emergency purchases na kinakailangan para sa pagtugon at rehabilitasyon ng mga naapektuhan at posibleng maapektuhan ng mga susunod pang kalamidad na maaaring maranasan.

Dumalo sa nasabing sesyon sina City Budget Officer Manolo Perlada, CSWD Officer Hiyasmin Candava, at Francine Eje na kinatawan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO). (PIO Batangas City)