- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- CAREERS
- Contact Us
DMW at PESO Batangas City, Nagsagawa ng Anti-Illegal Recruitment at Trafficking in Persons Seminar
- Details
- Thursday, 06 November 2025 - 3:57:09 PM
- Views: 176
TINGNI: Nakipagtuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Public Employment Service Office (PESO) Batangas City sa pagsasagawa ng Anti-Illegal Recruitment at Trafficking in Person Seminar ngayong araw, November 6.
Layunin ng seminar na mapaigting ang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal recruitment at human trafficking, gayundin ay mabigyan ng kaalaman at kamalayan ang publiko hinggil sa mga umiiral na batas upang maiwasang maging biktima ng ganitong mga uri ng krimen.
Ang DMW ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan at kaunlaran ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) saan mang panig ng mundo. Nagpapatupad ito ng rights-based approach sa mga programa at serbisyong naglalayong isulong ang proteksyon ng mga OFW.
Itinatag ang naturang kagawaran sa ilalim ng Republic Act 11641 o An Act Creating the Department of Migrant Workers na isinulong ni Mayor Marvey Mariño noong siya ay Kongresista pa at miyembro ng Committee on Government Reorganization ng Mababang Kapulungan.
Bilang dating OFW sa Amerika sa loob ng 12 taon, ibinahagi ni Mayor Mariño ang kanyang karanasan sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
Ayon sa kanya, dahil sa kakulangan ng oportunidad sa Pilipinas, marami ang napipilitang makipagsapalaran sa abroad. Kaya’t isa sa kanyang pangunahing layunin ay ang patuloy na pagpapaganda ng mga programa ng lokal na pamahalaan upang makalikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Batangueño at maiwasan ang pag-alis ng mga ito sa bansa.
Ayon naman kay DMW Region IV-A Regional Director Atty. April Casabuena, nangunguna ang Region IV-A at pumapangatlo ang Batangas sa rehiyon sa may pinakamaraming bilang ng mga migrant workers. Tinukoy rin niya ang unsafe labor migration bilang isang “silent pandemic” kung saan maraming Pilipino ang nagiging biktima ng pang-aabuso.
Dahil dito, inimbitahan ng DMW ang mga opisyal ng barangay sa seminar sapagkat sa grassroots level umano nagsisimula ang mga kaso ng illegal recruitment.
Tinalakay ni Labor and Employment Officer Wilma Mamiit ang paksa hinggil sa anti-illegal recruitment, habang ipinaliwanag naman ni Labor and Employment Officer Paola Zapanta ang mga isyu tungkol sa trafficking in person.
Pinayuhan ng DMW ang publiko na laging tiyaking lisensyado ang kompanyang nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa.
Maaaring i-verify sa kanilang opisyal na website ang listahan ng mga lehitimong agency, at bisitahin ang Facebook page ng DMW upang alamin ang mga modus operandi ng mga illegal recruiters.
Hinihikayat din ang mga naging biktima na agad magtungo at mag-ulat sa pinakamalapit na regional office ng DMW.
Lubos ang pasasalamat ng DMW sa pagkakataong ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod ng Batangas upang maisagawa ang naturang seminar.
Dumalo sa aktibidad sina Batangas City PESO Manager Noel Silang, SK Federation President Sherwin Tejada, at Coun. Bart Blanco, Chairman ng Committee on Labor and Employment ng Sangguniang Panlungsod.
Nakiisa rin sa seminar ang ilang Punong Barangay, SK Chairmen, at mga kinatawan ng LGBTQIA+ community sa lungsod. (PIO Batangas City)
Latest News
Emergency Hotlines
24/7 EBD Health Emergency
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738





















