Delegasyon mula Legazpi, Nagsagawa ng Benchmarking sa Batangas City para sa Wagayway Equality Desk

  01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg

TINGNI: Nagsagawa ng benchmarking activity sa Batangas City ang delegasyon mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Legazpi, Albay, November 3.

Layunin ng kanilang pagbisita na alamin ang mga best practices ng Wagayway Equality Desk - isang programang itinatag upang isulong ang inclusion at equality sa lungsod.

Ang nasabing proyekto ay naisakatuparan sa tulong ni Congresswoman Beverley Dimacuha at ni Mayor Marvey Mariño, na patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga programa kaugnay ng sexual health, mental health, human rights, at socio-economic concerns ng LGBTQIA+ community.

Magugunita na ginawaran ang Batangas City ng Outstanding Achievement in Community Development Award dahil sa positibong epekto ng naturang proyekto habang si Congresswoman Dimacuha naman ay kinilala sa Ripple Awards 2023 ng LoveYourself PH para sa kanyang adbokasiya at suporta sa Equality Desk initiative. (PIO Batangas City)