Pamahalaang Lungsod ng Batangas, Nagkaloob ng Makabagong Communication Devices sa BCCPS at CDRRMO

  01.jpg 02.jpg 03.jpg

TINGNI: Nagkaloob ang pamahalaang lungsod ng mga makabagong communication devices sa Batangas City Component Police Station (BCCPS) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang higit pang mapabilis ang koordinasyon at pagtugon sa oras ng emergency at kalamidad, November 3.

Sa nasabing aktibidad, tinalakay din ni Mayor Marvey Mariño kay BCCPS Chief Police Lieutenant Colonel Ira Morello ang kanyang iniendorso sa Sangguniang Panlungsod na pagpapalakas at pagpapatatag ng Defense & Security Services (DSS) sa ilalim ng kanyang pamunuan, na layuning higit pang paigtingin ang disiplina, seguridad, kaayusan at kapayapaan sa lungsod.

Ang mga nasabing kagamitan ay may mataas na kapabilidad na katulad ng isang android phone ngunit may mas advanced na specification.

Kapag nawalan ng internet connection o signal, awtomatiko itong lilipat sa radio frequency upang manatiling aktibo ang komunikasyon.

Dahil dito, masisiguro ang tuloy-tuloy na ugnayan sa pagitan ng mga tanggapan, lalo na sa panahon ng sakuna o mga sitwasyong nangangailangan ng agarang aksyon.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na programa para sa disaster preparedness, peace and order, at public safety, na layuning tiyakin ang kahandaan at mabilis na pagtugon ng mga ahensya sa anumang emergency na sitwasyon.

Ang inisyatibong ito, sa pangunguna ni Mayor Marvey Mariño, ay nagpapatunay sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na palakasin ang mga sistema at kagamitang pangkomunikasyon at pangproteksyon upang mapanatili ang kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng bawat Batangueño. (PIO Batangas City)