Libreng Bunot ng Ngipin mula CHO, Dinagsa ng mga Residente sa Kabila ng Masamang Panahon

  01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg

TINGNI: Sa kabila ng masamang panahon, muling dumagsa ang mga residente ng lungsod mula sa iba't-ibang barangay na nagnanais makinabang sa libreng bunot ng ngipin na kaloob ng mga kawani ng Dental Division ng City Health Office (CHO), October 3.

Bukod sa konsultasyon at tooth extraction, binibigyan din ang mga pasyente ng libreng gamot.

Ang libreng bunot ng ngipin ay regular na ipinagkakaloob sa mga barangay health center.

Itinakda sa 150 katao lamang tuwing Biyernes ang magiging beneficiaries ng naturang programa. (PIO Batangas City)