Batangas City Civil Registrar’s Office, Ikatlo sa Outstanding Local Civil Registry Office sa Bansa; Tumanggap din ng Circle of Excellence Award mula sa PSA

  01.jpg 02.jpg 03.jpg

TINGNI: Nagkamit ng ikatlong pwesto ang Batangas City Civil Registrar’s Office (BCCRO) bilang Outstanding Local Civil Registry Office sa Super Extra Large Category (National Level) para sa taong 2024.

Iginawad ang naturang parangal sa 4th National Convention on Civil Registration and Vital Statistics noong July 28–30 sa SMX Convention Center sa Pampanga.

Tumanggap din ang BCCRO ng Circle of Excellence award, na iginagawad sa mga Local Civil Registry Offices na kabilang sa Top 10 sa nakalipas na limang taon na isang pagpapatunay ng husay ng nasabing tanggapan sa larangan ng civil registration.

Ang nasabing karangalan na ipinagkaloob ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay nakamit ng BCCRO dahil sa mahusay na paglilingkod at maayos na pagpapatupad ng kanilang mga programa tulad ng OPLAN Kamalayan, mobile registration at Baysanang Bayan. (PIO Batangas City)