- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
CHO Health Workers, Sinanay sa Risk Communication and Community Engagement – Infodemic Management para sa Mas Epektibong Serbisyong Pangkalusugan
- Details
- Thursday, 31 July 2025 - 4:04:24 PM
- Views: 341
TINGNI: Sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang mga medical officers, nurses, midwives, at surveillance officers ng City Health Office (CHO) hinggil sa Risk Communication and Community Engagement – Infodemic Management (RCCE-IM) mula July 29 hanggang 31.
Layunin ng pagsasanay na higit na madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga healthcare providers ng lungsod sa epektibong pagtugon sa mga suliranin sa kalusugan, lalo na sa panahon ng krisis at emergency.
Sa pamamagitan ng RCCE-IM, mas magiging handa ang mga frontliners sa pagpapabatid ng tamang impormasyon sa komunidad at pagpapatupad ng proactive na hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon at masugpo ang mga banta sa kalusugan ng publiko.
Kabilang sa mga aktibidad ng training ang mga lecture, collaborative group work, at simulation exercises.
Layunin ng mga ito na palakasin ang kakayahan ng mga kalahok sa pagsasagawa ng mga programang pangkalusugan sa kanilang mga nasasakupan.
Sa bahagi ng simulation exercises, tinalakay kung paano hihikayatin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas; mga paraan upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng dengue fever at kung paano tutugunan ang posibleng kaso ng monkeypox sa lungsod.
Ang pagsasanay ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) IV-A CALABARZON at ng Provincial Health Office (PHO). (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 EBD Health Emergency
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 09988511107
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738


























