- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
EGGPLANT PRODUCTION SEMINAR
- Details
- Created on Friday, 20 February 2015 - 4:04:00 PM
- Friday, 20 February 2015 - 4:04:00 PM
Nilahukan ng may 120 eggplant growers sa lungsod ng Batangas ang libreng Refresher Course on Eggplant Production na isinagawa ng Office of the City Veterinary & Agricultural Services o OCVAS noong ika-11 at 12 ng Pebrero.
Layunin nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga magtatalong sa mga paraan at mga dapat na isaalang alang sa pagtatanim ng talong, kung paano ito mapapangalagaan at mga paraan kung paano magiging maganda ang kanilang ani.
Itinuro din sa kanila ang mga solusyon kung paano maiiwasan at mapupuksa ang mga peste at mga insekto na sumisira sa kanilang tanim na talong.
Tuwing panahon ng tag-ulan ang pagtatanim ng talong at maaaring anihin pagkalipas ng dalawang buwan.
Lubos ang pasasalamat ng mga farmer sa proyektong ito ni Mayor Eduardo B. Dimacuha at sa mga libreng buto ng talong na palagiang ipinagkakaloob sa kanila.
Ang naturang mga participants ay pawang mga myembro ng Eggplant Growers Association. Sa kasalukuyan, ito ay may humigit kumulang sa 200 myembro.
Nagsilbing resource speaker sa naturang seminar si Albert Serquiña, Agricultural Technologist ng OCVAS. (Ronna Endaya Contreras)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 723-7299
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 740-8303
to 8306
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: (0917) 135 6219
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex
P. Burgos Street, Brgy. Poblacion 17
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.