56th Batangas City Foundation Day Activities, Kasado na!

  01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg

Kasado na ang mga gawain para sa ika-56 taong pagkakatatag ng lungsod sa temang “Masaya ang Sama-sama, Tuloy tuloy na Pag-unlad”.

Ito ay sisimulan sa pamamagitan ng groundbreaking ng EBD EcoPark Amphitheater at Skate Park sa Tinga Labac sa June 26 ng umaga at unveiling ng Batangas City Grandstand sa hapon.

Ang inagurasyon ng Pedestrian museums ay isasagawa sa June 27.

Gaganapin naman ang sabayang linis ng barangay sa June 28 na tinaguriang Masayang Kalikasan, Maunlad na Pamayanan.

Isasagawa ang Papuon sa July 4 sa Basilica ng Immaculada Conception kung saan pararangalan ang mga patron ng pitong parokya sa lungsod.

Ang inaabangang Tianggean sa Plaza ay magsisimula ng July 10 hanggang July 23.

Ang Pamamanhikan kay Ms. Batangas City Foundation Day ay nakatakda sa July 11.

Ang PintaHusay on the spot painting competition para sa mga amateur at professional artists ay gaganapin sa Batangas City Convention Center (BCCC) sa July 15.

Mayroon ding PINTAKASAN: Kulay para sa Kalikasan, Guhit para sa Kaunlaran sa July 16.

Itinakda ang Kasalang Bayan sa July 18 sa Batangas City Convention Center.

Sa July 19 naman isasagawa ang Sagwan para sa Calumpang.

Itatanghal ang traditional Subli dance competition sa July 21 sa Batangas City Sports Coliseum.

Pangungunahan nina Mayor Marvey Mariño at Congressman Beverley Dimacuha sa July 22 ang Pagpupugay sa Watawat at Pag-aalay ng Bulaklak sa bantayog ni Apolinario Mabini bilang paggunita sa kanyang 158th birth anniversary.

Magdadaos din ng Panalanging Pagkakaisa at Pangkapayapaan at Misa Pasasalamat na kaagad susundan ng Harana at Putungan kay Ms. Batangas City Foundation Day 2025 na si Cheska Samaniego.

Sa araw ding ito isasagawa ang Ala-Eh Tikme Season 2 cooking competition.

Magkakaloob naman ng libreng rabies vaccine para sa mga alagang aso at pusa ang mga kawani ng Office of the City Veterinarian at libreng vegetable seeds ang City Agriculture Office sa Plaza Mabini.

Sa mismong araw ng Foundation Day sa July 23 mapapanood ang Sublian float parade, at street dancing, sa kahabaan ng P. Burgos sa umaga at court dance showdown sa ika-1:00 ng hapon sa Batangas City Sports Coliseum.

Inaasahan naman na dudumugin ng mga Batangueño ang street party sa harap ng City Hall, 7:00 ng gabi tampok ang bandang Mayonnaise at highlight nito ang magarbong fireworks display.

Kabilang rin sa mga inihandang gawain ay ang Trabaho Para sa Mga Batangenyo, Job Fair sa July 26, mula ika-8:00 ng umaga sa Batangas City Sports Coliseum. (PIO Batangas City)