- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Barangay Skilled Workers Registry, Ipatutupad na sa Batangas City
- Details
- Monday, 05 May 2025 - 3:46:12 PM
TINGNI: Ipatutupad na sa lungsod ang Barangay Skilled Workers Registry!
Ito ay matapos aprubahan ng Sangguniang Panglungsod ang isang ordinansang nagtatakda ng sistematiko at regular na registration, updating, at coordination—mula barangay hanggang city level.
Ayon kay Konsehal Zester Hernandez na may akda ng naturang ordinansa, ito ang kauna-unahang local policy sa bansa na nagtatatag ng isang organisado at structured na Barangay Skilled Worker Registry (BSWR).
Inaatasan nito ang bawat barangay na bumuo ng BSWR upang mangalap, kilalanin, at itala ang mga skilled at unskilled workers sa kanilang nasasakupan.
Kabilang sa impormasyong kailangang itala ay ang buong pangalan, tirahan, contact details, petsa ng kapanganakan, kakayahang pangtrabaho, natanggap na sertipikasyon at pagsasanay, at iba pang patunay ng kwalipikasyon.
Mahalaga ang mga ito sa pagbuo ng barangay database para sa mas mabilis na job matching, pagsasanay, at livelihood assistance.
Tinitiyak ng ordinansa na ang database ay mananatiling ligtas at confidential, at gagamitin lamang para sa employment facilitation.
Ang Public Employment Service Office (PESO) ang mangangasiwa sa barangay registries at sa itatatag na Citywide Skilled Workers Database.
Sila din ang makikipag-ugnayan sa mga negosyante, industriya, at training institutions upang ipatupad ang mga programa sa career alignment, skills training, at employment assistance.
Ang nabanggit na tanggapan din ang mamamahala sa job fairs at iba pang employment-related initiatives.
Upang mapanatili ang accuracy at relevance ng database, magsusumite ang mga barangay ng quarterly reports sa PESO para sa monitoring at coordination.
Bilang pagtugon naman sa aktibong partisipasyon sa programa, kikilalanin ng pamahalaang lungsod ang mga manggagawa, barangay, at stakeholders na may mahalagang ambag sa pagpapatupad ng ordinansa. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.