Bonsai Show and Competition, Tampok sa Plaza Mabini

  01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg

TINGNI: Dumalo ang mga bonsai enthusiasts sa Bonsai Show and Competition sa Plaza Mabini na nagsimula ngayong araw, May 2.

Ang naturang gawain ay proyekto ng Bonsai Ala-Eh na kinabibilangan ng mga bonsai hobbyists sa lalawigan sa pakikipag-ugnayan sa Bonsai Suiseke Alliance of the Philippines Inc., at sa lokal na pamahalaan.

Nagsilbing kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha si City Agriculturist Flor Alvarez sa nabanggit na okasyon.

Ipinabatid niya na hangad ng Punonglungsod na makagbigay ng pagsasanay sa mga residente ng lungsod hinggil sa bonsai making na aniya ay magandang aliwan at pagkakitaan.

Nais din ni Mayor na maging bahagi ito ng turismo ng Batangas City.

May 100 bonsai trees ang kalahok sa kompetisyon na nakadisplay sa Plaza Mabini hanggang May 4.

Ang mga magwawagi kabilang ang “People’s Choice” award na hihirangin sa tulong ng publiko ay gagawaran ng parangal sa huling araw ng activity.

Bahagi rin ng tatlong araw na exhibit ang bonsai lecture, demo at workshop. (PIO Batangas City)