Pamahalaang Lungsod ng Batangas, Naghanda ng Contingency Plan para sa Seguridad at Kaligtasan sa Paggunita ng Mahal na Araw

  01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg

TINGNI: Naghanda ng contingency plan ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) para sa paggunita ng Mahal na Araw at sa inaasahang pagdagsa ng mga turista sa lungsod ngayong Semana Santa.

Nakasaad dito ang pagdedeploy ng mga tauhan sa ilalagay na welfare desk and station sa Batangas Port, mga simbahan, Grand Terminal, public bathing/swimming areas, port going to island barangays at iba pang matataong lugar.

Iaactivate ang Emergency Operations Center para sa heightened monitoring, coordination at reporting.

Magsisilbi namang sentro ng operasyon ang CDRRMC Command Center.

Ayon kay Pol Lt Sheren Ama ng Batangas Component City Police Station (BCCPS), nagsimula na silang magtalaga ng kapulisan sa mga matataong lugar katuwang ang mga force multipliers noong April 13 at tatagal hanggang April 20.

Magpapatuloy din aniya ang kanilang pagpapatrolya at ang police visibility.

Ang mga kawani ng DSS at EBD MT ang tutulong sa safety & security management sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Oplan Disiplina.

Ang mga tauhan ng BFP Batangas City ang nakatoka sa agarang pagtugon sa mga aksidente; ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga water related incidents; ang Philippine Red Cross (PRC) ang magkakaloob ng additional resources kung kakailanganain at ang mga kawani ng City Health Office (CHO) ang nakatalaga sa medical supplies at medical team.

Ang mga traffic enforcers ng Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) ang mamamahala upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko.

May Tourism Assistance booth na itatayo ang Tourism Office upang gumabay sa mga turista.

Magsasagawa din sila ng validation ng tourist arrivals sa mga resorts at simbahan.

Magtatatag din ng Incident Command System kung kakailanganin. (PIO Batangas City)