Pabasa ng Pasyon, Muling Isinagawa ng City Council for the Elderly (CCE) at Office of the Senior Citizens Affairs Office (OSCA)

  01.jpg 02.jpg 03.jpg

TINGNI: Muling nagsagawa ng Pabasa ng Pasyon ang City Council for the Elderly (CCE) katuwang ang Office of the Senior Citizens Affairs Office (OSCA) noong April 14.

Ito ay isang tradisyon na nagpapamalas ng pananampalataya ng mga Katoliko sa tuwing panahon ng Semana Santa.

Hangad ng pamunuan ng mga nabanggit na tanggapan na gawing makabuluhan ang Kwaresma sa pamamagitan ng paglalaan ng oras upang pagnilayan ang buhay ni Kristo.

Tampok dito ang kwento ng kanyang pagsilang, pangangaral, paghihirap, sakripisyo, kamatayan at muling pagkabuhay na hango sa banal na kasulatan na dapat mabatid ng mga katoliko. (PIO Batangas City)