- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Solo Parents sa Lungsod, Nakiisa sa Solo Parent’s Day Celebration ng CSWDO
- Details
- Friday, 11 April 2025 - 2:21:14 PM
TINGNI: May 220 mga solo parent sa lungsod ang nakiisa sa Solo Parent’s Day celebration na itinaguyod ng City Social Welfare & Development Office (CSWDO), April 11.
Ito ay may temang “Solo Parent na Rehistrado, sa Gobyerno Tiyak na Protektado”.
Layunin ng naturang pagdiriwang na pahalagahan ang mga solo parent na nag-iisang bumabalikat ng responsibilidad sa pagtataguyod ng kanilang mga anak.
Ayon kay CSWD Officer Hiyasmin Candava, hangad nila na mapangalagaan hindi lamang ang physical health gayundin ang mental health ng mga ito sa pamamagitan ng pagkakaloob ng ibat-ibang social services na maari nilang mapakinabangan.
Ipinabatid ng panauhing pandangal na si SWO Monica Perez ang mahahalagang impormasyon hinggil sa Expanded Solo Parents Welfare Act (RA 11861).
Tinalakay niya ang mga karagdagang benepisyo ng mga solo parent tulad ng leave credits, diskwento sa mga pangunahing bilihin, libreng edukasyon para sa kanilang mga anak, at iba pa.
Pinalawig din ng batas na ito ang depinisyon ng “solo parent”, kung saan kasama na rito ang asawa, sinumang kamag-anak, o legal guardian ng anak ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa low o semi-skilled worker category.
Kasama rin dito ang mga lolo at lola, sinumang miyembro ng pamilya o legal guardian, na tanging nangangalaga sa bata.
Nagbahagi din ang mga kinatawan ng SSS, Philhealth, PAG-IBIG, GSIS, CLB at BATMC sa mga serbisyong maaring i-avail ng solo parent sa kanilang mga tanggapan.
Dumalo din sa nabanggit na okasyon si Mayor Beverley Dimacuha. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.