Tatlong Resolusyon, Inaprubahan ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) sa Full Council Meeting

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

TINGNI: Tatlong resolusyon ang inaprubahan ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) sa Full Council meeting nito ngayong araw, March 27.

Ito ay ang Resolution No. 01 s. 2025 o ang “Adopting NDRRMC memo circular no. 64 s. 2021”; Resolution No. 02 s. 2025 na Authorizing the CDRRMC office as the lead office to manage accreditation procedures of accredited community disaster volunteers at ang Resolution No. 03 s. 2025 na Resolution approving the budget allocation for the LDRRM Trust Fund 2025.

Nagbigay ng ulat si DILG Officer Esther Dator hinggil sa disaster preparedness habang ang tungkol sa disaster prevention and mitigation naman ang ibinahagi ni City Engineer Dwight Arellano.

Tinalakay din sa naturang pagpupulong ang paghahandang gagawin ng komite sa pagpasok ng tag-init o summer season.

Ang nabanggit na full council meeting na pinamahalaan ng CDRRMO ay dinaluhan ng ibat-ibang tanggapan at ahensyang myembro nito. (PIO Batangas City)