Palakat Batangas City, Gawad Ulat awardee

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Ginawaran ng Gawad Ulat-Most DSWD Social Media Advocates, Region IV-A ang Palakat Batangas City facebook page sa 2024 PANATA sa Bayan Ko Awards noong March 11.

Ito ay bilang pagkilala sa di matatawarang suporta ng naturang facebook page sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa mga programa at serbisyong ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lahat ng sektor ng lipunan.

Noong 2024 nakapagtala ang Palakat ng may 200 posts ukol sa programa at gawain ng DSWD na ipinatupad ng CSWDO.
Kabilang dito ang mga balita, announcement at advisories.

Ang parangal ay tinanggap nina CSWD Officer Hiyasmin Candava at City Information Officer Marie Lualhati.
Ang Palakat Batangas City ang opisyal na facebook page ng pamahalaang lungsod ng Batangas.

Bukod sa pagbibigay ng impormasyon, layunin din nito na maging daluyan ng komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan.
Ang PANATA awarding ay bahagi ng ika-74 na anibersaryo ng DSWD. (PIO Batangas City)

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#PalakatBatangasCity #PIOBatsCity #EtoBatangueñoDisiplinado #MagkatuwangTayo #EBDmagkatuwangtayo