Ibat-ibang kompetisyon ang isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City bilang paggunita ng Fire Prevention Month

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Ibat-ibang kompetisyon ang isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City bilang paggunita ng Fire Prevention Month sa temang “ Sa Pamayanang Nagdadamayan, Sunog ay Naiiwasan”, March 5.
Ito ay nilahukan ng mga elementary at high school students mula sa ibat-ibang pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.

Nanalo sa Spoken Poetry si Sean Bernard Tolin ng University of Batangas (UB).

Pumangalawa sa kanya si Heaven Grace Magboo ng Batangas Province High School for Culture and Arts (BPHCA) habang nakuha naman ni Sheila Mae Hornado ng Golden Gate Colleges (GGC) ang ikatlong pwesto.

Nakamit ni Beatrice Margaret Manalo ng University of Batangas (UB) ang unang pwesto sa quiz bee, 2nd placer si Dhrake Reagan Medina ng GGC habang ikatlong pwesto ang naiuwi ni Geoff Aronzen Perez ng Sto Domingo Elementary School.

Wagi naman si King Villena ng BPHCA sa painting.

Ayon kay BFP Deputy SFO3 Alberto Alaer, ang nabanggit na gawain ay bahagi ng kanilang community relations week (COMRES) at kampanya na mapalaganap ang kamalayan ng publiko ukol sa pag-iwas at pag-iingat sa sunog.
Nakatakda ding magsagawa ng intensified Fire Prevention campaign ang BFP Batangas City sa mga barangay at paaralan sa lungsod. (PIO Batangas City)