873 mag-aaral mula sa siyam na barangay ng Solid Upland Cluster ang nakatanggap ng EBD Scholarship Allowance ngayong araw

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Sa pagpapatuloy ng pamamahagi ng allowance ng pamahalaang lungsod para sa EBD scholars nito, 873 mag-aaral mula sa siyam na barangay ng Solid Upland Cluster ang nakatanggap nito ngayong araw, February 7.

Ayon kay Mayor Beverley Dimacuha, katuwang ng lokal na pamahalaan ang bawat pamilyang Batangueno sa pagtataguyod ng edukasyon ng bawat kabataan sa lungsod.

Labis rin ang kanyang kasiyahan sa patuloy na tagumpay ng mga dating iskolar ng EBD Scholarship Program.
Marami aniya sa mga magulang ng mga benepisyaryo ang nagpaabot ng pasasalamat sapagkat ito ang naging daan upang makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.

Pinaalalahanan rin ni Mayor ang mga magulang sa mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng mga kabataan tulad ng tumataas na insidente ng teenage pregnancy, teenage suicide, at mga kaso ng HIV.

Binigyang diin niya ang malaking papel na ginagampanan ng mga magulang upang matugunan ang mga isyung ito.
Mahalaga aniya ang paggabay at suporta ng mga ito sa kanilang mga anak upang maiwasan ang nabanggit na mga problema. (PIO Batangas City)

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo